
Summer na!
Matatapos na nga e, pero hindi pa rin ako nakakapag out-of-town kagaya ng plano ko, ayos na ang lahat e, nakapag file nako ng VL at naapprove naman, kaso etong Penguin nakisabay, sira na ang plano, uuwi pa naman yung kaibigan ko from Dubai at plano namin pumunta sa Caramoan sa Naga. Nakakalungkot, nakakainis, sabi ni TL di daw pwede mag absent sa training, ginawan din ng paraan ni TL na ma move yung VL ko a week ahead my orig VL, pero what's the use? Naka VL nga ako pero wala pa dito yung kaibigan ko, siguro di nako makakaranas ng init ng araw sa tabing dagat ngayong summer. Nakakalungkot at nakakapagod. Naisip ko bumili na lang ng masayang camera, tapos sa birthday ni Bubba (sana maaraw) kami mag oout-of town. Sana matuloy, ayaw ko umasa ng 100% pero naisip ko na mas masaya ang out-of town kung may DSLR kang kasama.


No comments:
Post a Comment